5 maninikwat ng kable ng Meralco tiklo
August 19, 2004 | 12:00am
BULACAN Limang kalalakihang miyembo ng "Pansit-pansit" gang ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang nagpuputol ng kable ng Meralco sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay sina: Laydo Abad, 34; Hermes Sumalinog, 41; Armando Papayla, 27; Noel Basco, 23; at Romy Tabogon, 37, pawang tubong Leyte at mga residente ng Caloocan City.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay inireklamo ng mga residente dahil sa pagkawala ng mga kable ng kuryente sa ilang barangay na nagreresulta sa pagkawala ng serbisyo ng kuryente.
May teorya ang pulisya na sangkot din ang mga suspek sa serye ng holdapan sa mga pampasaherong dyip sa nasabing lungsod.
Dahil sa matiyagang pagmamanman ng mga tauhan ni P/Supt. Marcelo Morales, police chief ng nasabing lungsod ay naaktuhan ang mga suspek habang pinuputol ang ilang linya ng kuryente ng Meralco.
Hindi naman nakapalag pa ang mga suspek matapos na makorner ng mga kagawad ng pulisya.
Narekober sa mga suspek ang hindi nabatid na kilong kable ng kuryente na pinaniniwalaang ipagbibili sa isang junkshop sa Camarin, Caloocan City, dalawang homemade double barrel shotgun, tatlong patalim, electrical cutter, flashlight at mga personal na gamit.
Tiniyak naman ni Morales na mabubulok sa kulungan ang mga suspek dahil sa isasampang kaso. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest