5 obrero todas sa road mishap
August 17, 2004 | 12:00am
LAGUNA Limang manggagawa mula sa pabrika ng Laguna Tecknopark sa Biñan ang iniulat na nasawi habang 19 naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang shuttle bus ng mga biktima sa puno ng acasia sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Don Jose, Sta. Rosa, Laguna noong Sabado ng gabi.
Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina: June Marthy Eribe ng Barangay Sto. Domingo, Biñan; Jaypee Ichipari; Carlos Malapitan; Ericson Montanez na pawang residente ng Barangay Balibago, Sta. Rosa, Laguna at ang ikalima na nakilala lamang sa apelyidong Perez.
Nakilala naman ang mga sugatang biktima na sina: Nestor Tatlonghari, Ryan Yason, Teodorico del Mundo, Nestor Dioco, Rizal Caspe, Giovani Sulit, Salvador Mediana, Simeon Garcia Jr., Jair Casco, Roy Deserva, Michael Cabrera, Bernan de Jesus, Julio Sangye, Arnel Buello, Edward Manaligud, Mario Murillo, Aguila Cuescano at Jesmond Sagana.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bumabagtas ang sinasakyang KIA KC2700 na minamaneho ni Sagana sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Don Jose nang biglang mawalan ng kontrol at kumabig sa kanang bahagi ng lansangan.
Dahil sa bilis ng sasakyan ay hindi nakuhang kontrolin ng drayber kaya tuluy-tuloy na sumalpok sa punong acasia.
Tumagal ng dalawang oras bago makuha ang bangkay ng mga biktima dahil sa matinding pagkakaipit ng puno at sasakyan. (Ulat ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended