^

Probinsiya

Municipal treasurer sabit sa nawawalang P7-M pondo

-
BULACAN – Nalalagay sa balag ng alangin at posibleng kasuhan ang dating OIC-municipal treasurer sa bayan ng Bocaue, Bulacan kapag hindi ito naipaliwanag kung saan ginugol ang P7.4-milyon pondo na iniulat ng Commission on Audit (COA) noong Hunyo 25, 2004.

Batay sa ulat ni COA Regional Cluster Director Carmelita R. Alvarez, dapat ipaliwanag ni OIC Municipal Treasurer Maria Elena A. Cabauatan, ang hindi pagpasok ng P 7,499, 779. 67 sa General Fund Collection Account simula noong Hunyo, 24, 2004.

Sa pagsusuring ginawa ng COA, lumilitaw ang mga sumusunod: No cash were counted, collection were not deposited intact, kawalan ng control number ng mga voucher, hindi aprobado ng alkalde ang mga lumalabas na pera, walang lagda ng OIC Budget Officer at Municipal Accountant at incomplete supporting documents.

Dahil sa rekomendasyon nina Norma Ilagan, Lorna Leoncio at Teresita Manabat na pawang nagsisiyasat ay nasibak sa puwesto si Cabauatan bilang OIC municipal treasurer ng Bocaue, Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BOCAUE

BUDGET OFFICER

BULACAN

CABAUATAN

EFREN ALCANTARA

GENERAL FUND COLLECTION ACCOUNT

HUNYO

LORNA LEONCIO

MUNICIPAL ACCOUNTANT

MUNICIPAL TREASURER MARIA ELENA A

NORMA ILAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with