Sumukong NPA, itatalagang bantay-kalikasan
BATAAN Pormal na itatalaga ng pamunuan ng Bataan PNP ang ilan sa 92 sumukong rebelde sa Pilar, Bataan bilang bantay ng kalikasan sa nasabing lalawigan. Sinabi ni Chief Supt. Elmer Macapagal, Bataan PNP provincial director, na ang nasabing programa ay bilang suporta na rin kay Bataan Governor Enrique "Tet" Garcia Jr. na nangakong isawata ang talamak na illegal fishing sa mga baybay-dagat at illegal logging sa kabundukang bahagi ng naturang lalawigan. Kaugnay nito, nakatakda namang bumili ng speed boat ang lokal na pamahalaan bilang suporta sa nasabing programa para tugisin ang mga gumagamit ng dinamita sa pangingisda. (Ulat ni Jonie Capalaran)