^

Probinsiya

3 pulis ‘kotong’ tiklo

-
PAMPANGA – Tatlong kagawad ng pulisya na isinasangkot sa pangongotong ang dinakip ng kanilang kabaro sa magkakahiwalay na lugar sa Central Luzon, ayon sa ulat. Kinilala ni Chief Supt. Vidal Querol, Central Luzon regional director, ang mga suspek na sina: SPO2 Reynaldo Buan ng Cabanatuan City PNP; SPO1 Armando Telles ng Nueva Ecija at SPO4 Nestor Sto. Domingo ng Guagua, Pampanga PNP. Base sa ulat, si Sto. Domingo ay dinakip habang tumatanggap ng P80 sa drayber na si Joel Samson, samantalang si Telles naman ay tumatayong protektor ng illegal logger at dinakip sa checkpoint na sakop ng Pantabangan, Nueva Ecija. Si SPO2 Buan naman inaresto sa entrapment operation sa Sumakab Este, Cabanatuan City habang tumatanggap ng P20 sa operatiba na nagpanggap na trak drayber. (Ulat ni Resty Salvador)

vuukle comment

ARMANDO TELLES

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

DOMINGO

JOEL SAMSON

NESTOR STO

NUEVA ECIJA

RESTY SALVADOR

REYNALDO BUAN

SUMAKAB ESTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with