Katulad ng mga naunang insidente ng karahasan ay sinapit din nina: Ronaldo Ramirez, 27, ng Bonuan Gueset at Jornald Landingin, 25, ng Bonuan Catacdang, Dagupan City.
Napag-alaman kay Supt. Noli Taliño, hepe ng pulisya, na si Ramirez ay may warrant of arrrest sa kasong forcible abduction samantalang si Landingin naman ay sangkot sa serye ng holdap sa kahabaan ng Arellano St. na ang mga biktima ay pawang estudyante.
Itinanggi naman ng pamilya nina Ramirez at Landingin na ang dalawa ay sangkot sa ibat ibang krimen.
Si Ramirez na may malaking tattoo sa braso at nunal malapit sa bibig ay positbong kinilala ng kanyang mga naging biktima sa bayan ng Sta. Barbara.
Naitala ng pulisya ang pananambang sa dalawa dakong alas-10 ng umaga matapos na tabihan ng dalawa rin nakamotorsiklo ang motorsiklo nina Ramirez at Landingin.
Nakalagay sa katawan ni Ramirez, ang cardboard na may nakasulat na "Hired killer, bayaran" habang kay Landingin naman ay "Huwag tularan, kawatan."
Hindi naman kinukunsinte ni Taliño ang naganap na insidente ng summary execution ng mga kriminal dahil ito ay paglabag sa karapatang pantao. (Ulat ni Eva Visperas)