^

Probinsiya

2 kriminal itinumba

-
DAGUPAN CITY – Dalawang kalalakihan na nasa talaan ng pulisya bilang notoryus na kriminal ang iniulat na tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo sa kahabaan ng Bonuan Gueset, Dagupan City kamakalawa ng umaga.

Katulad ng mga naunang insidente ng karahasan ay sinapit din nina: Ronaldo Ramirez, 27, ng Bonuan Gueset at Jornald Landingin, 25, ng Bonuan Catacdang, Dagupan City.

Napag-alaman kay Supt. Noli Taliño, hepe ng pulisya, na si Ramirez ay may warrant of arrrest sa kasong forcible abduction samantalang si Landingin naman ay sangkot sa serye ng holdap sa kahabaan ng Arellano St. na ang mga biktima ay pawang estudyante.

Itinanggi naman ng pamilya nina Ramirez at Landingin na ang dalawa ay sangkot sa iba’t ibang krimen.

Si Ramirez na may malaking tattoo sa braso at nunal malapit sa bibig ay positbong kinilala ng kanyang mga naging biktima sa bayan ng Sta. Barbara.

Naitala ng pulisya ang pananambang sa dalawa dakong alas-10 ng umaga matapos na tabihan ng dalawa rin nakamotorsiklo ang motorsiklo nina Ramirez at Landingin.

Nakalagay sa katawan ni Ramirez, ang cardboard na may nakasulat na "Hired killer, bayaran" habang kay Landingin naman ay "Huwag tularan, kawatan."

Hindi naman kinukunsinte ni Taliño ang naganap na insidente ng summary execution ng mga kriminal dahil ito ay paglabag sa karapatang pantao. (Ulat ni Eva Visperas)

ARELLANO ST.

BONUAN CATACDANG

BONUAN GUESET

DAGUPAN CITY

EVA VISPERAS

JORNALD LANDINGIN

LANDINGIN

NOLI TALI

RAMIREZ

RONALDO RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with