Sub-commander ng Sayyaf tiklo

CAMP AGUINALDO – Nadakip ng pinagsanib na militar at pulisya ang sub-commander ng grupong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang sangkot sa pagdukot ng 50 guro at estudyante noong 2002 sa isinagawang operasyon sa parking lot na sakop ng Isabela City, Basilan kamakalawa. Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Ibno Ismael, alyas Abdil Ibno ng Barangay Kumalarang, Isabela City at may patong sa ulo na P1-milyon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Bucoy ng Isabela Regional Trial Court Branch 1 ay naaresto ang suspek na may kasong 21 counts ng kidnapping. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments