^

Probinsiya

Utol ni Sec.Pagdanganan nagwala; 7 katao sugatan

-
AGUINALDO – Pitong sibilyan ang nasugatan makaraang magwala ang nakababatang kapatid ni dating Bulacan Governor at ngayo’y Tourism Secretary Roberto ‘Obet’ Pagdanganan na walang habas pang nagpaputok ng baril kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Calumpit, Bulacan.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP Headquarters, inimbitahan na ng Calumpit Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si dating Calumpit Mayor Ramon Pagdanganan upang pagpaliwanagin sa kinasangkutan nitong karahasan sa town plaza, subali’t nabigo ang mga tauhan ng pulisya na makapasok sa kanyang bahay.

Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa Liwasan ng Calumpit bandang ala-1 ng madaling-araw.

Ayon sa pahayag ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari, nagwala umano ang batang Pagdanganan sa plaza ng bayan ng Calumpit at sinaktan ang ilang taong inabot nito.

Hindi pa nakuntento sa kanyang paninindak ay nagpaputok pa ito ng kanyang dalang AK47 machine gun sa ere.

Aminado naman si Calumpit Chief of Police P/Sr. Supt. Absalon Salboro na bago pa man siya naupong hepe ng pulisya sa nasabing munisipyo ay nakatanggap na ng mga balita na madalas na nasasangkot sa kaguluhan ang kapatid ni Obet.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABSALON SALBORO

BULACAN GOVERNOR

CALUMPIT

CALUMPIT CHIEF OF POLICE P

CALUMPIT MAYOR RAMON PAGDANGANAN

CALUMPIT MUNICIPAL POLICE STATION

JOY CANTOS

OBET

PAGDANGANAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with