Coed hinalay ng 5 adik

QUEZON – Isang 17-anyos na kolehiyala ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pagtulungang gulpihin at halayin ng limang kabataan na pinaniniwalaang lango sa droga kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Pinagbayanan, Pitogo, Quezon. Kasalukuyang ginagamot sa Gumaca District Hospital ang biktimang itinago sa pangalang Sheree, 3rd year college at nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan at nabasag pa ang mukha dahil sa palo. Samantalang, dalawa sa limang suspek ay naaresto at nakilalang sina: Jobet Bondoc at Dominador Batalla na kapwa residente ng Barangay Amontay ng naturang bayan. Base sa ulat, dakong alas-4:25 ng madaling-araw nang harangin ang biktima habang naglalakad papauwi na bumaba ng pampasaherong bus mula sa Lucena City. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments