^

Probinsiya

Maimpluwensiyang personalidad utak sa pagpatay sa tabloid reporter

-
BAUAN, Batangas – Masusing sinisilip ng mga beteranong imbestigador ng pulisya ang mga maimpluwensyang personalidad na nagalit dahil sa pagkakabanggit ng napaslang na tabloid reporter sa kanyang artikulo na nailathala sa Dyario Veritas.

Bago tambangan at mapatay si Arnnel Manalo kamakalawa ng umaga sa Barangay Manghinao, ay nakapanayam niya si Edilberto Mendoza, presidente ng Association Barangay Captain sa Bauan tungkol sa kinakaharap na kasong murder at ang nalalapit na pagsuko nito.

Ayon sa ulat, si Mendoza na kinasuhang murder noong 2002 ay malapit na kaibigan ni Manalo at ngayon ay nagtatago sa hindi nabatid na lugar at ilang grupo ang tumutugis sa kanya upang patahimikin.

Noong Agosto 1, 2004, ay lumabas sa Dyario Veritas ang isinulat ni Manalo na pumapabor kay Mendoza sa kaso na posibleng nairita ang kalabang kampo, ayon sa pulisya.

Mariin naman kinondena ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ni Rogelio "Ka Roger" Rosal ang naganap na pagpaslang kay Arnnel Manalo at humihingi ng katarungan sa lahat ng mamamahayag na napatay habang ginagampanan nila ang trabaho.

Inilabas ng pulisya ang larawan ng killer ni Manalo, base sa paglalarawan ng kapatid na si Apollo na tanging nakasaksi sa insidente.

Si Apollo ay kasama ni Manalo habang lulan ng owner-type jeep sa nabanggit na barangay bago pa tambangan at mapatay ng dalawang nakamotorsiklo. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

ARNNEL MANALO

ASSOCIATION BARANGAY CAPTAIN

BARANGAY MANGHINAO

DYARIO VERITAS

EDILBERTO MENDOZA

KA ROGER

MANALO

MENDOZA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with