Sa pahayag ng mga saksi, na isang dating local na opisyal sa bayang ito ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ricardo Piedad, chief accountant.
Ayon sa ulat ni Senior Superintendent Felix Caddali, provincial police director, kay Gen. Jefferson Soriano, regional police director, inatasan na niya ang itinatag na special unit ng PNP at ang grupo ng Nueva Vizcaya Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon habang isinasalarawan ng mga saksi ang mg killer.
Sa inisyal na ulat ng pulisya na ang ginamit na motorsiklo ng mga killer ay pareho sa diskripsyon ng mga tao at motorsiklo na unang namataan sa farmhouse ng isang local na opisyal ilang oras bago mangyari ang pamamaril sa biktima.
Pinag-aaralan ngayon ng pulisya, na posibleng may kaugnayan sa krimen ang mga unjustified cash liquidation at misappropriations ng pondo ng mga dating local na opisyal ng pamahalaan.
Ipinahayag din Caddali, na ang tatlong saksi ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP Regional command para sa cartographic sketch ng dalawang mamamatay-tao. (Ulat ni Victor Martin)