^

Probinsiya

Ex-officials idinadawit sa pagpatay sa accountant

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Tatlong kilalang dating local na opisyal ng Bayombong ang nakatakdang sumailalim sa masusing imbestigasyon matapos idawit ng tatlong saksi ang kanilang pangalan sa pagpatay ng chief accountant noong Lunes (Aug.2) sa Barangay Salvacion sa bayang ito.

Sa pahayag ng mga saksi, na isang dating local na opisyal sa bayang ito ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ricardo Piedad, chief accountant.

Ayon sa ulat ni Senior Superintendent Felix Caddali, provincial police director, kay Gen. Jefferson Soriano, regional police director, inatasan na niya ang itinatag na special unit ng PNP at ang grupo ng Nueva Vizcaya Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon habang isinasalarawan ng mga saksi ang mg killer.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na ang ginamit na motorsiklo ng mga killer ay pareho sa diskripsyon ng mga tao at motorsiklo na unang namataan sa farmhouse ng isang local na opisyal ilang oras bago mangyari ang pamamaril sa biktima.

Pinag-aaralan ngayon ng pulisya, na posibleng may kaugnayan sa krimen ang mga unjustified cash liquidation‚ at misappropriations ng pondo ng mga dating local na opisyal ng pamahalaan.

Ipinahayag din Caddali, na ang tatlong saksi ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP Regional command para sa cartographic sketch ng dalawang mamamatay-tao. (Ulat ni Victor Martin)

AYON

BARANGAY SALVACION

BAYOMBONG

CADDALI

JEFFERSON SORIANO

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

RICARDO PIEDAD

SENIOR SUPERINTENDENT FELIX CADDALI

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with