Shootout: 8 kawal, 1 NPA patay
August 7, 2004 | 12:00am
BUTUAN CITY Walong kawal ng militar at isang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi makaraang lusubin ng tropa ng militar ang nadiskubreng kampo ng mga rebelde sa Sitio Manawang, Barangay Ginabsan, Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa.
Sinabi ni Lt. Col. Pendatun Guro, spokeman ng 401st Phil. Army na nakabase sa Barangay Bancasi, dalawang kawal na sina: Army Privates Quizon at Mabanto lamang ang nasugatan at bumalik na sa kampo ng militar.
Inamin naman ni Guro na dalawang pangkat ng militar mula sa 23rd Infantry Battalion ang sumalakay sa nadiskubreng kuta ng rebelde sa nabanggit na barangay.
Kasalukuyan pang bineberipika ni Guro ang napaulat na walong kawal nga ang napatay sa engkuwentro sa Sitio Manawang na unang iniulat ng NPA na naganap sa Sitio Balabagan.
Hindi naman kinumpirma o kaya pinabulaanan ng militar ang nasabing ulat dahil namataan ng mga nagsisilikas na residente sa naturang lugar na may mga duguang nakabulagtang unipormadong militar na binubuhat ng kanilang kasamahan.
Kinumpirma naman ng mga opisyal ng barangay na patuloy na nagsisilikas ang mga residente sa nasabing sitio upang umiwas sa kaguluhang nagaganap sa pagitan ng militar at makakaliwang kilusan. (Ulat nina Ben Serrano at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended