Kabilang sa mga biktimang mag-aaral ng Patricia Elementary School na nakalanghap ng mabahong amoy mula sa sumingaw na tangke ng alak ay nakilala sina Camille Buerom, Jean Leocell Tandog, Mysel Rebota, Jenalyn Libo-on, Maricar Sayson, Christine Jane Tandog, Edcille Mae Medel, Charlene Medel, Mary Jean Amandog, Rosana Martirnez, John Rey Simblag, Ronel Simblag, Keno Tordillos at Kennyvieve Casabuena.
Nakilala naman ang mga gurong dumanas ng pananakit ng ulo, pagsusuka at matinding pagkahilo ay sina: Agnes Verde, Ma. Christine Etchon, Haydee Jimenez at Ofelia Sanz, samantalang dalawa pang guro sa Don Generoso Villanueva National High School na naapektuhan ang kanilang kalusugan ay nakilalang sina: Vicente Dionzon at Rogelio Manaay.
Agad naman ipinag-utos ng punong-guro na si Leonora Sajot, na pansamantalang isuspinde ang klase sa naturang paaralan dahil sa masangsang na amoy mula sa sumingaw na tangke ng nabanggit na kompanya.
Base sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga, bago pa mag-umpisa ang klase sa nasabing elementary school ay umalingasaw ang mabahong amoy mula sa likurang bahagi ng eskuwelahan na kinatatayuan ng nasabing kompanya.
Bandang alas-10 ng umaga nang makaramdam ng pagkahilo ang mga estudyante at guro kaya napilitang maglabasan ang mga ito sa kanilang class room.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa nasabing kaso. (Ulat ni Joy Cantos)