Trader at katulong minarder
August 7, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang matandang Tsinoy trader at katulong nito ng apat na kasapi ng grupong akyat-bahay matapos na pasukin ang kanilang tindahan na sakop ng City Road Kalaw East, Santiago City, Isabela kahapon.
Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay nina: Rosa Dy, 71, may-ari ng Li Chian Construction and Auto Supply at Aurea Cabanting, 47, katulong.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, agad namang nasakote ang dalawa sa apat na suspek na sina: Norian Pineda at Ricardo Cinco na pawang manggagawa sa gasolinahan na malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtataka ang mga kapitbahay ng mga biktima na nanatiling sarado ang naturang tindahan, gayung maaga itong nagbubukas.
Sa pag-aakalang tinanghali lamang ng gising ang mga biktima ay kinatok ng ilang kapitbahay, subalit bumukas ang pintuan at tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng mag-amo.
Pinaniniwalaan namang pinaslang ang mag-amo habang natutulog sa kanilang kuwarto.
May teorya naman ang pulisya na pawang lango sa ipinagbabawal na gamot ang mga suspek at napagtripang pasukin ang tindahan ng mag-amo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended