4 rebelde sumuko sa militar

CAMP SIMEON OLA – Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na sumuko sa tropa ng 65th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Sitio Carupag, Barangay Oma-Oma, Ligao City kahapon. Kabilang sa nagsisuko ay sina: Leticia Nebria, Edizon Nebria, Loreto Domvirgen at Remedios Domvirgen. Base sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali nang suyurin ng militar ang nadiskubreng kampo ng mga rebelde. Naiwan ang apat na NPA at imbes na makipagbarilan sa militar ay sumuko na lamang. Narekober sa mga rebelde ang dalawang baril, bandila ng CPP/NPA, mga dokumento hingil sa bihag na si Lt. Fedelino ng 42nd Infantry Battalion at mga subersibong papeles ng kilusan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments