P28-M pekeng sigarilyo nasabat

PAMPANGA – Aabot sa P28-milyong pekeng sigarilyo ang iniulat na nasabat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang salakayin ang isang pabrika sa Barangay Calibutbut, Bacolor, Pampanga kamakalawa. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Pedro Sunga Jr. ng San Fernando City Regional Trial Court Branch 42, pinasok ng mga awtoridad ang Foreitrans Manufacturing Corp. Kinumpiska ang kahung-kahong sigarilyong "Dageta" na ang orihinal ay mula pa sa Alemanya. Ayon sa ulat, hindi naman nadatnan ng mga awtoridad ang may-aring Tsino, bagkus pawang mga trabahador ang inabutan sa naturang pabrika. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments