^

Probinsiya

Trader pinatay ng mga holdaper

-
RIZAL – Binaril at napatay ang isang 35-anyos na negosyante ng mga holdaper makaraang manlaban ang biktima habang nililimas ng mga armadong kalalakihan ang kinita sa tindahan kamakalawa ng gabi sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal.

Idineklarang patay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Imelda Manas ng Pahati Compound sa nabanggit na barangay.

Agad namang nasakote at naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Sony Valena, 27, Roland Valena, 18, at Jake Dayana.

Sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi matapos na pasukin ng mga suspek ang tindahan ng biktima.

Agad na tinutukan ng baril ang biktima habang nililimas nito ang kinita ng tindahan, samantalang nagsilbing tagamasid ang dalawang kasamahan.

Subalit nanlaban ang biktima kaya binaril sa leeg at bago tumakas ang mga suspek ay kinuha pa ang kuwintas na suot ng trader.

Nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang ilang kapitbahay ng biktima kaya mabilis na naaresto ang tatlo. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY BURGOS

BINARIL

EDWIN BALASA

IDINEKLARANG

IMELDA MANAS

JAKE DAYANA

NAKAHINGI

PAHATI COMPOUND

ROLAND VALENA

SONY VALENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with