^

Probinsiya

Tabloid reporter dedo sa ambush

-
BATANGAS – Isa na namang mamamahayag ang tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang owner-type jeep sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Maghinao, Bauan, Batangas kahapon ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha at leeg ay nakilalang si Arnnel Manalo, 43, ng Barangay As-is, Bauan, Batangas at provincial correspondent ng tabloid Bulgar at radio dzRH.

Si Manalo ay kolumnista sa weekly local newspaper Dyaryo Veritas at miyembro ng Batangas Newswriters Association (BNA) bilang auditor.

Sa ulat ni Supt. Gaudencio Masangkay, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, si Manalo na kasalukuyang barangay councilor ay binaril ng malapitan ng dalawang nakamotorsiklo sa nabanggit na barangay dakong alas-7:15 ng umaga.

Kasama ni Manalo ang kanyang utol na si Apollo nang tambangan ng mga armadong kalalakihan at namukhaan nito ang killer.

"Nakita ko ang mukha noong bumaril dahil malapit lang siya noong pinaputukan niya ang kuya ko," ani Apollo.

Inilarawan ni Apollo ang gunman na may edad na 20-25 anyos at may taas na 5’7", at may katamtaman ang pangangatawan.

Ayon sa mga pulisya, ang mga killer ay lulan ng Kawasaki motorcycle na ang plaka ay tinakpan ng puting papel bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Base sa ulat, si Manalo ay papauwi na ng kanilang bahay matapos na ihatid ang dalawang anak sa Sta. Teresa College sa Barangay Poblacion nang tambangan.

Masusing sinisilip ng pulisya ang mga posibleng naisulat ni Manalo sa local newspaper Dyario Veritas laban sa ilang personalidad kaya ipinapatay siya.

Mariing kinondena naman ng Batangas Newswriters Association (BNA) sa pangunguna ng kanilang president na si Arnell Ozaeta, ang naganap na pamamaslang at nanawagan siya Kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magsagawa ng malalim na imbestigasyon para mapadali ang solusyon.

Kinondena rin ng pamunuan ng Citizens Anti-Crime Assistance Group (CAAG) sa pamununo ni Roger Santos ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga mamamahayag partikular na kasalukuyang pananambang kay Manalo na animo’y walang pahalaga sa buhay ng mamamahayag.

Magugunitang ang broadcaster reporter ng dzJC radio station na si Robert Mariano ay pinatay sa San Nicolas, Ilocos Norte noong Sabado habang si Rowell Endrinal ng dzRC ay binaril sa labas ng kanyang bahay sa Legazpi City noong Pebrero.

Nag-alok ng pabuyang P1-milyong si Pangulong Arroyo sa sinumang makapagtuturo sa mga killer na sangkot sa paglikida ng mga mamamahayag sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Ed Amoroso)

ARNELL OZAETA

ARNNEL MANALO

BARANGAY AS

BARANGAY MAGHINAO

BARANGAY POBLACION

BATANGAS

BATANGAS NEWSWRITERS ASSOCIATION

BAUAN

MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with