Obrero napisak sa bus
August 5, 2004 | 12:00am
CAVITE Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang 22-anyos na obrero makaraang atubiling bumaba at madulas na naging sanhi para masagasaan ng pampasaherong bus na sinakyan ng biktima sa kahabaan ng Barangay Gregorio, Trece Martirez City kahapon ng umaga. Pisak ang ulo ng biktimang si Ryan Bacudio, trabahador sa pagawaan ng gulong ng mga sasakyan sa nabanggit na barangay. Naitala ng pulisya ang aksidente dakong alas-7:10 ng umaga matapos na bumaba ng bus (DWR 879) ang biktima. Ayon sa pulisya, pinahinto ng biktima ang sinakyang bus para bumaba, subalit umaandar pa ang sasakyan ay nagmamadaling bumaba. Nadulas ang biktima at nawalan ng balanse kaya nagulungan ng pampasaherong bus na minamaneho ni Mario Nueva na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended