^

Probinsiya

Misis at lover dinedo ng mister na pulis

-
CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang misis at lover nito ng mister ng una makaraang maaktuhang magkatabing natutulog sa bahay ng kalaguyo sa Purok 4, Barangay Milagros, Carmona, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Carmona si Mary Grace Valderama, 28, habang napatay naman sa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna ang kalaguyong si Mamerto Umali, 38, ng Purok 4, Carmona, Cavite at kasapi ng Bantay-Bayan.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si PO2 Roberto Valderama ng Muntinlupa City police station.

Ayon kay P/Senior Inspector Joseph Arguelles, hepe ng pulisya sa Carmona, ang dalawang biktima ay magkatabing natutulog sa bahay ni Umali sa nabanggit na barangay nang pagbabarilin ng suspek dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

Sinabi pa ni Arguelles, kasama ni Valderama ang isang barangay tanod nang magtungo sa bahay ng magulang ni Mamerto at hinanap ang kanyang misis.

Hindi pumasok ng bahay si Valderama, bagkus ay umaaligid sa naturang bahay at sumilip sa nakabukas na bintana.

Namataan ng suspek ang kanyang asawa na katabi si Mamerto na natutulog sa kuwarto.

May teorya ang pulisya na nagdilim ang paningin ng suspek kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang pinaniniwalaang magkalaguyo.

Sinabi ni Arguelles na nagpadala na ng surrender feeler si Valderama at anumang araw ay posibleng sumuko sa batas. (Ulat nina Rene Alviar at Cristina Timbang)

vuukle comment

ARGUELLES

BARANGAY MILAGROS

CARMONA

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

MAMERTO

MAMERTO UMALI

MARY GRACE VALDERAMA

MUNTINLUPA CITY

VALDERAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with