^

Probinsiya

Chief accountant niratrat

-
NUEVA VIZCAYA – Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan ang isang 59-anyos na municipal chief accountant ng bayang ito makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaking nakamotorsiklo kahapon sa Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nilalapatan ng lunas sa Veterans Regional Hospital ang biktimang si Ricardo Piedad matapos na tamaan ng dalawang bala ng baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Anselmo Dulin, ang biktima ay papasok ng sariling bahay sa Governor Patricio Dumlao Blvd., sa nabanggit na barangay nang upakan ng isa sa nakamotorsiklo.

Agad na tinamaan ang biktima sa kanang kili-kili at tiyan saka bumulagta.

Narekober ng pulisya ang tatlong basyo ng Caliber .45 baril na ginamit sa krimen.

Ayon sa paglalarawan ng mga nakasaksi sa insidente, mga mukhang tinedyer ang umupak kay Piedad.

Tumanggi namang magbigay ng detalye ang pulisya tungkol sa naganap na pananambang. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

ANSELMO DULIN

AYON

BARANGAY SALVACION

BAYOMBONG

CHARLIE LAGASCA

GOVERNOR PATRICIO DUMLAO BLVD

KAMATAYAN

NUEVA VIZCAYA

RICARDO PIEDAD

VETERANS REGIONAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with