^

Probinsiya

Radio commentator patay sa ambush

-
CAMP CRAME – Isang radio commentator na walang puknat na bumabanat sa illegal na operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Ilocos Norte ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Laoag City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roger Mariano, 44, commentator ng dzJC Aksyon Radyo.

Ang biktima ay dead-on-the-spot sa insidente matapos na magtamo ng sampung tama ng bala sa ulo at likod.

Batay sa ulat, kasalukuyang pauwi ang biktima sa bayan ng Dingras nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng national road sa Brgy. Sta. Cecilia, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Sabado ng gabi.

Bago ang pamamaslang ay nakatanggap pa ng pagbabanta ang biktima mula sa di nakilalang mga kalalakihan na pinaniniwalaang gambling lord sa illegal na operasyon ng jueteng sa kanilang probinsiya.

Ang pamamaslang sa biktima ay kauna-unahan sa kasaysayan ng mga mamamahayag sa lalawigan.

Nabatid na si Mariano ay walang humpay sa pagbatikos sa ilang tiwaling lokal na opisyal ng pamahalaang Ilocos Norte dahil sa pagkakasangkot sa illegal na number game partikular na sa operasyon ng jueteng.

Kaugnay nito, binatikos naman ni Ilocos Norte Governor Ferdinand Marcos ang pamamaslang sa biktima at agad na inatasan si P/Sr. Supt. Rolando Rabara, provincial police director ng Ilocos Norte na maglunsad ng manhunt operations upang maparusahan ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

AKSYON RADYO

BATAY

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE GOVERNOR FERDINAND MARCOS

JOY CANTOS

LAOAG CITY

ROGER MARIANO

ROLANDO RABARA

SAN NICOLAS

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with