^

Probinsiya

Hapon kalaboso sa pambubugbog

-
Camp Crame – Bagsak kalaboso ang isang Japanese national matapos itong masangkot sa pambubugbog ng isang konsehal at opisyal ng bangko matapos maglaro ng golf dahil sa mainitang pagtatalo sa Davao City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Kenichi Karino, 41-anyos, tubong Saitama, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Gulf View Subdivision sa Brgy. Bago Aplaya ng lungsod na ito.

Ang nasabing Japanese national ay inaresto ng Davao City Police matapos ireklamo ng dalawang biktima na kinilalang sina Councilor Bonifacio Militar at Domingo Ramos Jr., pangulo ng sangay ng Equitable Bank sa Davao at pawang nakalaro ng suspek sa larong golf.

Nabatid na kasalukuyang naglalaro ng golf ang tatlo sa Apo Golf and Country Club sa Bago Aplaya ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito na humantong sa pamamalo ng dayuhan sa dalawang biktima.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek sa Davao City Jail habang ipinabeberipika na rin ng dalawang biktima sa Bureau of Immigration ang rekord nito upang alamin kung legal ang pananatili nito sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

APO GOLF AND COUNTRY CLUB

BAGO APLAYA

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP CRAME

COUNCILOR BONIFACIO MILITAR

DAVAO CITY

DAVAO CITY JAIL

DAVAO CITY POLICE

DOMINGO RAMOS JR.

EQUITABLE BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with