Vice mayor natagpuang patay
August 1, 2004 | 12:00am
Camp SIMEON OLA Palaisipan ngayon kung nag-suicide o sadyang pinaslang ang isang bagong halal na bise alkalde matapos itong matagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Oas, Albay kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Oas Vice Mayor John Edward Flordeliza.
Sa ulat na tinanggap ni Albay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Guillermo Paguio, bandang alas-6:20 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Iraya Sur, Oas ng lalawigang ito.
Ayon sa salaysay ni Mylene Flordeliza, maybahay ng biktima nakarinig umano siya ng malakas na putok ng baril buhat sa kuwarto nilang mag-asawa at ng kaniya itong siyasatin ay tumambad ang wala ng buhay niyang mister.
Nabatid pa na ng pumasok ang misis ng biktima sa kuwarto nilang mag-asawa ay nadatnan nito ang isa sa dalawa nilang anak na kambal na lalaki na apat-na-taong gulang na hawak ang cal. 45 pistol na umanoy siyang ginamit sa krimen.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest