4 pulis naaktuhan sa pagtatapon ng salvage victim
July 31, 2004 | 12:00am
Apat na kagawad ng pulisya na nakatalaga sa Southern Police District at isang sibilyan ang dinakip ng Calamba City police makaraang maaktuhang nagtatapon ng salvaged victim sa liblib na bahagi ng Calamba Hills 2 na sakop ng Barangay Barandal, Calamba City, Laguna kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa kinilala ni P/Senior Supt. Edwin Covera, Laguna police director, na mga suspek ay sina: PO2 Cenon Carolina ng Makati City PNP Community Precinct; PO2 Marcelino Lumagbas Tadayu; PO1 Ramil Naag Marquita; PO1 Reynaldo Soronel na pawang nakatalaga sa Pasay City Community PNP Precinct 6 at ang sibilyang utol ni PO2 Carolino na si Pablito Tayuni Carolino ng #35 Cabrera St., Pasay City at empleyado ng Pasay City Hall.
Lumalabas sa imbestigasyon, bandang alas-12:05 ng madaling-araw, nang dakpin ang mga suspek ng mga kagawad ng pulisya ng Calamba City sa pamumuno ni P/Supt. Edmund Zaide sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng routine patrol ang mga elemento ng Calamba City police nang maaktuhan ang mga suspek na nagtatapon ng bangkay ni Gilbert Garcia, 33, ng Barangay Tejeros, Makati City na kanilang sinalvage at binitbit palabas mula sa L-300 van na may plakang XGL-397.
Ikinatuwiran naman ng mga suspek na ipinaghiganti lang nila ang kasamang pulis na si PO2 Jesus Patel na pinatay ni Gilbert.
Kinumpiska sa mga suspek ang isang 9-mm na Baretta at dalawang Cal. 45 at L-300 van na pag-aari ni Pablo Ang ng Leveriza St. , Libertad, Pasay City matapos na maberipika sa LTO.
Mariing naman tinuligsa ni DILG Sec. Angelo Reyes ang karumal-dumal na krimen na ginawa ng mga suspek at ipinag-utos sa National Police Commission (NAPOLCOM) na madaliin ang imbestigasyon.
"Ganitong klaseng mga pulis ang dapat na kalusin sa serbisyo at kapag napatunayan na silay nagkasala, they will be immediately relieved and will face administrative and criminal cases," ani Reyes.
Sinabi naman ni PNP Chief General Hermogenes Ebdane Jr. na walang white wash sa isasagawang imbestigasyon at kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.(Ulat nina Joy Cantos,Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended