Talunang kandidato itinumba

CAMP AGUINALDO – Tinambangan at napatay ang isang talunang mayoralty bet ng partido ng Lakas sa Tampakan, South Cotabato ng mga hindi kilalang armadong kalalakihang nakamotorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng dyip sa kahabaan ng Kamagong Street, Tampakan noong Miyerkules ng gabi, Hulyo 28, 2004.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Doctors Clinic and Hospital sa Koronadal City ang biktimang si Gregorio Banal, samantalang ang mga mamamatay-tao ay tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Crossing Rubber na karatig bayan ng Tupi. Base sa ulat, dinikitan ng mga killer na sakay ng motorsiklo ang nagmamanehong biktima saka pinagbabaril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments