CAFGU itinumba sa lamayan
July 29, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nakatulog sa pakikipaglamay sa burol ng isa sa kanyang kaibigan sa Barangay Bagoladio, Bula, Camarines Sur kahapon ng umaga. Bandang alas-6:30 ng umaga nang lapitan ng dalawang rebelde ang biktimang nakahiga sa bakanteng upuan at inupakan ng sunud-sunod na putok ng baril. Nagpulasan naman ang ilang tao sa lamayan habang palakad na lumayo ang mga rebelde sa kinaganapan ng krimen na animoy walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended