NPA tinukoy na killer ng anak ng konsehal
July 29, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tinukoy kahapon ng militar na ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nasa likod ng pagdukot at brutal na pagpaslang sa estudyanteng anak ng isang konsehal sa lalawigan ng Aurora.
Kinilala ni AFP-Northern Luzon Command Lt. Gen. Romeo Dominguez ang biktimang si Jeffrey Veranosa, 18, anak ni Councilor Hermilio Veranosa.
Ang biktima ay napaulat na nawawala matapos na dukutin ng mga armadong kalalakihan noong Hulyo 20, 2004 sa Brgy. Dimatubo, San Luis, Aurora.
Nabatid na ilang araw matapos na dukutin ang biktima ay natagpuan ang nagsisimulang maagnas na bangkay nito na itinapon sa bahagi ng sakop ng Sitio Palukpok ng nabanggit na barangay.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at tadtad ng mga pasa sa malalalim na sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na palatandaang tinorture muna bago pinaslang.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktima, estudyante ng Ditumabo National High School ay huling nakitang buhay habang nanghuhuli ng ibon malapit sa kanilang tahanan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest