50 mag-aaral nalason sa bunga ng tuba-tuba
July 28, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Aabot sa limampung mag-aaral sa elementarya ang iniulat na nalason makaraang kumain ng bunga mula sa puno ng tuba-tuba malapit sa pinapasukang eskuwelahan ng mga biktima kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lungsod.
Sinabi ni Dr. Rodelyn Agbulos, director ng Zamboanga City Health Office, ang mga biktima na pawang may edad na 7 hanggang 11-anyos ay estudyante sa Cabatangan Elementary School.
Sa ulat, halos magkakasabay na kumain ng bunga ng tuba-tuba ang mga biktima bago nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan at nagsusuka.
Dahil sa takot na may masamang mangyari sa mga biktima ay agad naman isinugod sa Zamboanga City Medical Cenrer.
Nabatid sa ulat, na ang dahon ng naturang puno ay maaaring gawing herbal medicine, subalit ang bunga nito na kaakit-akit kainin ay naglalaman ng lason.
Naniniwala naman si Agbulos na naakit ang mga biktima sa hugis ng bunga kaya pinitas saka ipinasa sa ibang kaklase para tikman hanggang sa maganap ang insidente.
Napag-alaman sa ulat na may 37 bata ang ginagamot sa naturang ospital simula pa noong Lunes at ang natitira ay pinauwi na sa kanilang bahay pero nanatiling inoobserbahan. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended