Saku-sakong pampasabog nasamsam
July 26, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Saku-sakong sangkap ng pampasabog at blasting caps ang nasamsam ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng may-ari ng malaking tindahan sa isinagawang operasyon sa Mangaldan, Pangasinan kamakalawa ng hapon.
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang suspek na si Josephine Mapanao, 60, may-asawa at residente ng Barangay San Miguel, Calasiao ng nasabing lalawigan.
Isinagawa ang pagsalakay dakong alas-5:30 ng hapon makaraang ang test-buy operation ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) ng PNP at intelligence operatives ng militar kaya nagpalabas ng search warrant si Judge Silverio Castillo ng Dagupan City Regional Trial Court.
Kabilang sa nasamsam sa tindahan ni Mapanao ay ang apat na sako ng potassium nitrate, apat na sako ng agri-potassium nitrate at 63 na sako ng ammonium nitrate na isinama sa mga pampakain ng baboy.
Napag-alaman sa ulat, na bagaman ang mga nakumpiskang kemikal ay maaring gamiting pampataba at pampabunga ng mangga ay maaari rin gamiting sangkap sa pampasabog. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended