Kinidnap na estudyante nailigtas
July 26, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nailigtas ng mga kagawad ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) ang kinidnap na 16-anyos na estudyante na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang kidnaper sa isinagawang operasyon kamakalawa sa Cagayan de oro City kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang naisalbang biktima na si Abdul Baunto ng Beta Christi at naninirahan sa Terry Hills, Cagayan de Oro City.
Naghihimas naman ng rehas na bakal ang dalawang suspek na sina Ronri Hundayag, 24, 2nd year college at Jonathan Bermudez, 18, binata, ng Tibulohon, Barangay Indahag ng nasabing lungsod.
Sa ulat, bandang alas-7:20 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng mga kidnaper sa biktima sa Sitio Dionisio, Barangay Indulang, Talakag, Bukidnon.
Hindi na nakapalag pa ang mga kidnaper na may hawak na baril matapos na maaktuhang nagbabantay sa biktima.
Bago salakayin ang kuta ng dalawang kidnaper ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na itinatago ang biktima sa naturang lugar kaya agad na nagsagawa nang paniniktik na naging sanhi ng matagumpay na pagkakabawi kay Baunto.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagkidnap sa kapwa estudyante. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended