Ang bangkay ng biktima na itinapon sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay ay nakilalang Jovita Evalla y De Castro, negosyante, tubong Pila, Laguna.
Nabatid sa ulat, na ang biktima ay tinaga sa noo at leeg at may palatandaang hinalay dahil walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Nestor Avila, huling namataang buhay ang biktima ng magpaalam sa sariling asawa na magtutungo sa Calamba City, Laguna para ihatid ang malaking halaga sa kanyang anak na nag-aaral.
Subalit makalipas ang kalahating oras ay namataan ng kanilang kapitbahay ang bangkay ng biktima na duguang nakahandusay sa naturang lugar.
Sa pagsisiyasat, ay nawawala ang P10,000 dala ng biktima, maging ang hawak nitong cell phone at personal na kagamitan.
May teorya ang pulisya na natunugan ang biktima na may dalang malaking halaga kaya hinoldap at hinalay. (Ulat ni Tony Sandoval)