^

Probinsiya

Trader hinalay, tinodas ng holdaper

-
MACALELON, Quezon – Pinaniniwalaang hinoldap muna at pagkaraan ay hinalay saka tuluyang pinatay sa taga ng itak ang isang 32-anyos na misis ng hindi pa kilalang lalaki sa bahaging sakop ng Barangay Malabahay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang bangkay ng biktima na itinapon sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay ay nakilalang Jovita Evalla y De Castro, negosyante, tubong Pila, Laguna.

Nabatid sa ulat, na ang biktima ay tinaga sa noo at leeg at may palatandaang hinalay dahil walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Nestor Avila, huling namataang buhay ang biktima ng magpaalam sa sariling asawa na magtutungo sa Calamba City, Laguna para ihatid ang malaking halaga sa kanyang anak na nag-aaral.

Subalit makalipas ang kalahating oras ay namataan ng kanilang kapitbahay ang bangkay ng biktima na duguang nakahandusay sa naturang lugar.

Sa pagsisiyasat, ay nawawala ang P10,000 dala ng biktima, maging ang hawak nitong cell phone at personal na kagamitan.

May teorya ang pulisya na natunugan ang biktima na may dalang malaking halaga kaya hinoldap at hinalay. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY MALABAHAY

BIKTIMA

CALAMBA CITY

DE CASTRO

JOVITA EVALLA

NABATID

NESTOR AVILA

PILA

PINANINIWALAANG

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with