Gastro outbreak: 24 katao dedo
July 22, 2004 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Idineklara ni Health Secretary Manuel Dayrit na Acute gastro-enteritis epidemic ang central Pangasinan makaraang maapektuhan ang 2,778 residente na nagresulta sa pagkamatay ng 24 sibilyan na nanalasa sa 45 bayan.
Kahapon ay bumisita si Dayrit sa Pangasinan at napansing tumataas ang bilang ng mga naapektuhan ng nasabing sakit sa loob lamang ng dalawang buwan.
Base sa ulat, simula Mayo 31 hanggang Hulyo 16, aabot na sa 770 kaso ang naitala na may pitong nasawi sa bayan ng San Carlos City, sa Malasique naman ay 527 kaso at apat ang patay, Bayambang ay 284 ang naitalang naapektuhan at dalawa ang todas.
Sa bayan ng Basista ay 138 na kaso ang kumpirmadong apektado na may tatlong patay, sa Binmaley naman ay 99 na kaso at dalawa ang nasawi.
Kabilang din sa apektadong bayan ang Sta. Barbara na 92 kaso ang naiulat, subalit isa lang ang namatay, sa bayan ng Mangaldan ay 86 na kaso ang apektado ng cholera at tatlo ang patay.
Sa bayan naman ng Bugallon ay 44 na kaso ang iniulat at isa ang nasawi, sa Aguilar ay 10 at isa ang namatay.
Ipinahayag ni Dayrit na kasalukuyang mino-monitor nila ang ibang karatig lalawigan na sakop ng rehiyon dahil sa posibleng manalasa ang acute gastro-enteritis.
Base sa ulat, sa Bauang ay tatlo na ang namamatay habang isa naman sa Sto. Tomas.
Napag-alaman pa sa ulat, na isang pangkat ng epidemiologists ang nakakolekta na ng mga sampol ng tubig at kinumpirma na ang organismong lumilikha ng cholera ay namumugad sa mga ilog partikular na sa mga balon.
Nanawagan naman si Governor Victor Agbayani sa mga alkalde na baguhin ang kanilang prayoridad na makapagpagawa ng lansangan at tulay, kundi mabigyan ng malinis na inuming-tubig ang mga residente. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended