Cellphone snatcher tsinap-tsap ng vigilantes
July 21, 2004 | 12:00am
TARLAC CITY Pinagputul-putol ang katawan ng isang notoryus na cellphone snatcher ng kilalang grupong vigilantes noong nakalipas na linggo sa lungsod na ito.
Ang biktimang si Dante Reyes, 28, ng Sitio Pag-asa, Barangay San Rafael, Tarlac ay nakilala lamang ng kanyang asawang si Josephine dahil sa tattoo nito sa ilang bahagi ng katawan.
Nadiskubre ang pangalan ng grupong vigilante "Peoples Brigade" sa tabi ng isa sa bahagi ng katawan ng biktimang si Dante
Narekober pa lamang ng pulisya, ang dalawang hita at dalawang braso ng biktima na natagpuan sa magkakahiwalay na bahagi ng basketball court na sakop ng Brgy. San Rafael, Grand Mason Building sa kahabaan ng MacArthur Highway at malapit sa pamilihang bayan ng nasabing lungsod.
Ayon kay P/Supt. Tito Bayangos, hepe ng pulisya sa Tarlac City, ang fingertips ng biktima ay nawawala sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sinabi pa ni Bayanos, na ang grupong "Peoples Brigade" ay nagpapahiwatig ng matinding senyales ng pagbabanta sa mga elementong kriminal na namumugad sa naturang lungsod.
Patuloy namang hinanap ng mga tauhan ni Bayagnos ang iba pang bahagi ng katawan ni Dante na pinaniniwalaang ikinalat para hindi makilala. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest