^

Probinsiya

3 Pentagon KFR todas sa shootout

-
CAMP CRAME – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang kabilang ang manugang ng lider ng grupo na si Commander Tahir Alonto ang napatay ng mga kagawad ng pulisya sa naganap na shootout sa General Santos City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napaslang na suspek na sina: Ricky Legada, Sumanudin Tiago at Arnaiz de la Cruz, umano’y manugang ni Pentagon KFR leader Tahir Alonto.

Batay sa ulat, dakong alas-6 ng gabi habang nagpapatrulya ang pulisya ng General Santos City sa kahabaan ng Buwayan Highway nang makasagupa ang grupo ng mga armadong kidnaper.

Ang sagupaan ay sumiklab matapos ang mahigit isang linggong surveillance operations ng mga awtoridad laban sa grupo ni Alonto.

Nabatid pa, na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng pulisya hinggil sa planong pagdukot ng mga suspek sa Korean national na si Jin Sung Kim sa Alabel, Sarangani.

Sa kainitan ng bakbakan, tatlo agad ang nasawi sa mga kidnaper na pawang narekober ang bangkay sa lugar matapos abandonahin ng kanilang mga nagsitakas na kasamahan.

Base sa record ng militar naging notoryus ang Pentagon KFR gang matapos masangkot sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao kabilang na ang pagdukot sa hotel owner na si Carlos Belonio at kaibigang Koreano noong May 2002 sa Sarangani. (Ulat ni Joy Cantos)

BUWAYAN HIGHWAY

CARLOS BELONIO

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER TAHIR ALONTO

GENERAL SANTOS CITY

JIN SUNG KIM

JOY CANTOS

RICKY LEGADA

SARANGANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with