Vice mayor itinumba sa bilyaran
July 20, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang vice mayor sa bayan ng Sta. Maria, Laguna habang ang biktima ay nagbibilyar sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay IV Poblacion kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Cailes District Hospital ang biktima na si Vice Mayor Rex Emmanuel Real ng Sta. Maria, Laguna.
Batay sa inisya na ulat, naglalaro ng billiard dakong alas-9:35 ng gabi ang naturang opisyal sa Brgy. Poblacion nang lapitan ito ng nag-iisang gunman.
Walang sabi-sabing bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ng hindi kilalang lalaki.
Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Napag-alamang si Real ay nagsilbing municipal councilor sa tatlong magkakasunod na termino bago nahalal na vice mayor noong May 2004 local elections.
Bago magsimulang manungkulan si Real ay may mga nabinbing kasong graft sa Ombudsman na isinampa ng mga kalaban sa pulitika.
Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong mga kalaban sa pulitika ang nasa likod ng pamamaslang.
Patuloy ang hot pursuit operations ng 405th Police Provincial Mobile Group (PPMG) laban sa suspek.(Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended