Safety consultant lumundag sa kamatayan
July 18, 2004 | 12:00am
Camp Crame Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang Consultant ng isang Safety Organization Project matapos itong tumalon sa rooftop ng ikaanim na palapag ng isang gusali sa Gov. Lim Avenue sa Zamboanga City nitong Biyernes.
Dead-on-arrival sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang kinilalang si Bong Atilano, 32 anyos ng Maasin, Sarangani, consultant ng Safety Organization Project of the Philippines.
Batay sa report ang biktima ay kinilala ng mga awtoridad sa pamamagitan ng kaniyang Identification Card (ID) na nakuha sa kaniyang wallet.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang insidente ay naganap dakong alas- 11:15 ng umaga kamakalawa matapos na umakyat ang biktima sa ika-anim na palapag ng Doña Vicenta Building at magtungo sa rooftop.
Ilang saglit pa ay biglang tumalon ang biktima na tuluy-tuloy na lumagapak sa matigas na semento sa kahabaan ng Gov. Lim Avenue sa lungsod na ito.
Sa pahayag ng security guard ng GMA Super Radyo na kinilalang si Rey Lubiano, kasalukuyan siyang abala sa pag-aasikaso sa mga taong dumagsa sa istasyon kaugnay ng promo ng kanilang himpilan ng masaksihan nito ang pagpapatiwakal ng biktima.
Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Villa Funeral Parlor para maisailalim sa awtopsiya. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng pagpapakamatay ng naturang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended