Binata todas sa karibal
July 18, 2004 | 12:00am
Daraga, Albay Isang Engineering student ang nasawi matapos burdahan ng saksak ng isa namang Nursing student na karibal nito sa nililiyag na dalaga sa naganap na madugong insidente sa loob mismo ng isang kolehiyo sa Brgy. Sagpon sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Jan Hedwig Lodronio, 18 taong gulang, binata,1st year sa Bicol College at residente ng PNR Site ng naturang bayan.
Agad namang nasakote ang suspek na si Christian Yanson, 21, 1st year Nursing student ng nasabi ring kolehiyo at naninirahan naman sa Brgy. Bagtang sa nabanggit na munisipalidad.
Sa report ng pulisya ang insidente ay naganap dakong ala-1:30 ng hapon matapos na ang biktima ay sundan at pagsasaksakin ng suspek sa loob ng campus.
Nabatid na labis na ikinagalit ng suspek ang panlalamig sa kaniya ng kasintahang si Rita Marvilla, 1st year Nursing student dahil nahuhulog na umano ang loob nito sa biktima na palaging kasama nitong kumain sa canteen ng kanilang kolehiyo.
Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa Daraga Municipal Jail ang suspek upang panagutan ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended