^

Probinsiya

Vice mayor tinodas sa videoke bar

-
Buenavista , Quezon – Nagkabutas-butas ang katawan at namatay noon din ang bagong halal na bise alkalde ng bayang ito habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng tatlong di pa nakilalang mga naka-bonnet na salarin habang nag-iinuman sa loob ng isang videoke bar sa Brgy. Catulin ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Vice Mayor Aniano Noblefranca, Liberal Party na agad binawian ng buhay matapos masapul ng tatlong tama ng bala sa katawan.

Nasa kritikal namang kalagayan sa Mt. Carmel General Hospital sa Lucena City ang mga kasamahan nitong si Orlando Agustin gayundin sina Washington de los Reyes at Nicasio Basco na isinugod naman sa Magsaysay Hospital sa Lopez, Quezon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa loob ng Balyaw Videoke bar sa Brgy. Catulin ng nasabing bayan nang biglang pumasok ang mga armado at maskaradong kalalakihan at bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek ng kanilang kalibre . 45 pistol.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas matapos na matiyak na napatay na nila ang kanilang target. Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung may motibong pulitikal ang pamamaslang sa nasabing lokal na opisyal.

Matatandaan na si Noblefranca ay inambus noong kainitan ng election period ng hinihinalang mga kalaban nito sa pulitika subali’t himalang nakaligtas sa insidente. (Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor at Joy Cantos)

BALYAW VIDEOKE

BRGY

CATULIN

CELINE TUTOR

JOY CANTOS

LIBERAL PARTY

LUCENA CITY

MAGSAYSAY HOSPITAL

MT. CARMEL GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with