Misis dinedo ng live-in partner

ANTIPOLO CITY, Rizal – Pinaniniwalaang matinding selos kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na misis ng kanyang live-in partner sa Barangay San Isidro ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Antipolo City District Hospital ang biktimang si Jennifer Mamac ng Sitio Maligaya ng nabanggit na barangay. Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Edwin Centenaje, 37. Lumilitaw sa pagsisiyasat na kinompronta ng lalaki ang biktima dakong ala-1:45 ang hapon tungkol sa lalaking napaulat na may relasyon ang babae, subalit pinabulaanan naman nito. Dahil sa katwiran ng biktima ay nairita ang suspek kaya humantong sa pananaksak. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments