Army Sargeant dinedo

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Tinambangan at napatay ang isang sarhento ng Phil. Army ng nag-iisang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Sitio Florida, Barangay Kita-Kita noong Miyerkules ng gabi. Isinugod pa sa Heart of Jesus Hospital ang biktimang si T/Sgt. Claudio Banada, team leader ng Army Mobile Force sa Sitio Maangol, subalit idineklarang patay. Napag-alaman pa sa ulat, na ang biktima ay galing sa kampo at naglalakad papauwi nang upakan ng nag-iisang rebelde. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments