^

Probinsiya

GRO ni-rape/slay ng trike driver

-
CABANATUAN CITY – Isang menor-de-edad na guest relation officer (GRO) sa videoke bar ang iniulat na hinalay at pinatay ng naging customer ng biktima saka itinapon sa irigasyong sakop ng Barangay Buliran ng lungsod na ito noong Sabado, Hulyo 3, 2004.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Analyn "Lovely" Macabidang at tubong Calbayog City, Samar.

Tinutugis naman ang suspek na si Raul A. Ramos, alyas Bert, 27, traysikel drayber at residente ng Barangay Balite, Cabanatuan City.

Napag-alamang ang biktima ay stay-in GRO sa Daisy videoke bar sa Del Pilar St. na pag-aari ni Loida Salvador ng Barangay Rizdelis ng nasabing lungsod.

Lumilitaw sa imbetigasyon, na sumama ang biktima sa suspek kasama ang kaibigan nitong si Cheryl Lavesores sa restoran na sakop ng Brgy. Balite.

Matapos kumain ay nagtungo ang tatlo sa bahay na kubo ng suspek sakay ng traysikel. Sa salaysay ni Cheryl sa pulisya, naiwan siya sa traysikel habang ang dalawa ay pumasok sa kubo.

Ayon pa sa ulat, narinig ni Cheryl na sumisigaw ang kanyang kaibigan kaya nagmamadaling pumasok sa kubo upang saklolohan, subalit binato siya ng suspek kaya nawalan ng malay.

Hindi na nakita pa ang biktima hanggang sa matagpuang nakalutang sa irigasyon kaya ipinagbigay-alam niya sa pulisya ang insidente. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BALITE

BARANGAY BULIRAN

BARANGAY RIZDELIS

CABANATUAN CITY

CALBAYOG CITY

CHERYL

CHERYL LAVESORES

CHRISTIAN RYAN STA

DEL PILAR ST.

LOIDA SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with