Ang tatlong biktimang nasawi ay nakilalang sina: Mylene Baldo, 19, dalaga, manggagawa sa East Camp Tech, ng Barangay Mountain View, Lupang Pangako, Mariveles; Mary Jane Makidato, 22, ng Barangay Alas-Asin at Marjorie Fernandez, 19, kapwa obrero sa Mitsumi at nakatira sa Barangay Cabcaben, Mariveles.
Ginagamot naman sa Bataan General Hospital at Isaac Catalina Medical Clinic sa Balanga City, Bataan, ang mga biktimang sugatang sina: Guilbert Liberato ng Sitio Bakery; Arlene Macalinao ng Barangay Cabcaben; Gina Pesseydos, 24; Shreen Baltazar, 16, ng Brgy. Alas-Asin; Glecerie Salvador, 29, ng Barangay Lamao Limay; Jocelyn Oca, 25, ng Brgy. Cabcaben; Annabelle Lopez, 26, ng Brgy. Lamao; Imelda Quitorre, 18; Mark Victorian, 20; Leticia Baran, 38; at Barry Villegas, 21, ng Barangay Lucanin.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Ernesto Flores, Mariveles police chief, tinatahak ng pampasaherong dyip (CPU-410) na lulan ang mga biktima na minamaneho ang kahabaan ng Roman Expressway nang mahagip nito ang nakaparadang trak na may plakang TMY-192 sa Sitio E. Road, Barangay Alas-Asin.
Ang mga biktima ay patungo sa pinapasukang pabrika bandang alas-6:30 ng umaga nang kalawitin ni Kamatayan. (Ulat ni Jonie Capalaran)