^

Probinsiya

Sanggol sinunog ng sariling ina

-
SAN PEDRO, Laguna – Isang sanggol na sampung araw pa lamang naisisilang ang sinilaban hanggang sa mapatay ng sariling ina makaraang hindi sustentuhan ng kanyang live-in partner sa Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna kamakalawa.

Ang nalitsong na katawan ng biktima na nakahalo pa sa basurahan ay nakilalang si Angel Aquino ng Maligaya VII ng nabanggit na barangay.

Tinangka naman mag-suicide ng suspek na si Maryjane Aquino, 23, para iwasan ang pagkakadakip ng pulisya, subalit agad namang naagapan ng mga rumespondeng barangay tanod sa pagkakabigti.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ang tustadong bangkay ng sanggol matapos na sakmalin at tangayin ng asong gala ang hita ng bata.

Kaya hinabol ng mga kapitbahay ni Maryjane ang asong sakmal pa ang sunog na hita ng bata hanggang sa mamataan ang sunog na katawan.

Hindi naman mapilit ng pulisya na magbigay ng impormasyon ang suspek kung bakit niya sinunog ang isa sa dalawang anak.

Subalit sinisisi ng suspek ang kanyang live-in partner na si Joselito Cunanan na hindi makapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak.

Ayon naman kay Joyce Chua, midwife, na nagpa-anak sa sanggol noong Hulyo 2, sinabi nito na nakita niya ang sanggol na buhay na buhay noong nakaraang Miyerkules.

Sinabi pa ni Chua, na inirereklamo ni Maryjane ang kanyang live-in partner na hindi tumutupad sa kanilang kasunduan na suportahan ng P300 linggu-linggo.

Base sa record ng barangay, kalimitang reklamo ni Maryjane ang hindi pagbibigay ng lingguhang suportang pinansiyal ni Joselito sa pamilya.

Inihahanda na ang kasong parricide laban kay Maryjane, subalit plano ng pulisya na ipasuri sa psychiatrist ang babae kung nasiraan ng bait nang isagawa nito ang krimen. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ANGEL AQUINO

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN VICENTE

CHUA

HULYO

JOSELITO CUNANAN

JOYCE CHUA

MARYJANE AQUINO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with