P.6-M puslit na alak nasabat sa Subic Bay
July 13, 2004 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Umaabot sa P.6 milyon halaga ng mga imported signature liquors ang nasabat ng mga operatiba ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) habang nasa aktong ipinupuslit palabas sa Kalaklan gate ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) kamakalawa ng hapon.
Base sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District director Capt. Sonny Manuel, nasabat ang may 22 kahon na naglalaman ng 264-botelya ng imported vodka gin at JR Dancer gin lulan ng Chevrolet Astro Van na may plakang XDN-881 habang ito ay papalabas sa naturang gate dakong alas-4:00 ng hapon.
Ayon kay Alameda, ang nabanggit na kargamento ay ilegal na inilabas mula sa bodega ng Lifelike Trading Corp., isang rehistradong locator ng Freeport at isang empleyado at driver nito na nakilalang si Frederick Lagutan ng 1201-A Clark St., Barangay Sta. Rita, Olongapo City. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended