Ang sanggol na si Airon Veloso ay isinilang noong Hunyo 22, 2004 at naging kontrobersyal dahil sa walang butas ang maselang bahagi ng katawan, maging ang sanay nilalabasan ng dumi ay walang butas.
Maging ang tiyan ng sanggol ay transparent ang balat kaya nakikita ang laman-loob.
Kahapon bandang alas-7:30 ng umaga ay idineklarang patay si Airon sa Philippine General Hospital kaya banaag sa mukha ng mga magulang ang kalungkutan.
Subalit makalipas ang ilang minuto, bandang alas-8:05 ng umaga, nagulat ang mga pasyenteng katabing kama, maging ang mga doktor ng biglang nabuhay ang nasabing sanggol.
Kasalukuyang inoobserbahan sa nabanggit na ospital si Airon na anak nina Arcelito Veloso, 22, at Aillen Veloso, 19, ng Sitio Silangan Beach, Barangay Guis-guis, Sariaya, Quezon.
Magugunitang nalathala sa pahayagang ito ang larawan ni Airon noong Hulyo 2, 2004 para humingi ng tulong mula sa mga taong may mabuting kalooban.(Ulat ni Tony Sandoval)