Army itinumba

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kawal ng Phil. Air Force (PAF) ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Bulihan, Silang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Walang buhay na iniwan ng killer ang biktimang si Pepito Mendoza, 41, may asawa at residente ng Block 205 Lot 9 Zone 8, AFP housing sa nabanggit na barangay. Napag-alaman sa pagsisiyat ng pulisya, ang biktima ay kagagaling lang sa videoke bar kasama ang ilang kaibigan. Makaraang makipag-inuman ng alak ay agad na umuwi ang biktima, subalit inabangan ito ng hindi kilalang lalaki at pinaslang sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments